ELECTRICIAN, PATAY MATAPOS MAKURYENTE

Cauayan City – Binawian ng buhay ang isang private electrician matapos nitong makuryente nang aksidente nitong mahawakan ang putol na live wire sa Sta. Ana, Cagayan kahapon, ika-12 ng Nobyembre.

Ang biktima ay kinilalang si Joseph James Cadauan, 38 anyos, residente ng Brgy. Sta. Cruz, Sta. Ana, Cagayan.

Ayon sa ulat mula sa PNP Sta. Ana, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay sa isang lalaking nakabitin sa poste ng kuryente.


Lumalabas sa kanilang imbestigasyon na kasalukuyan umanong nagkakabit ng service drop ng kuryente ang biktima nang aksidente nitong mahawakan ang naputol na live wire ng CAGELCO.

Sinubukan pang dalhin sa pagamutan ang biktima subalit sa kasamaang palad ay dineklara itong Dead on Arrival.

Facebook Comments