Electrician, Timbog ng masamsaman ng Iligal na Droga

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang binata matapos masamsaman ng iligal na droga ng isilbi ng mga awtoridad ang search warrant sa kanyang bahay pasado 6:00 ng umaga kanina sa Buguey, Cagayan.
Kinilala ang suspek na si Tommy Dela Cruz, (High Value Target), 28-anyos, isang electrician at residente ng Brgy. Maddalero, Buguey, Cagayan.

Nakumpiska sa suspek ang anim (6) na piraso ng plastic sachet ng naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 0.18 gram, isang (1) piraso ng live ammunition para sa M16 rifle at anim (6) pa na bala para sa caliber 38.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.


Facebook Comments