Pamilya sa Rizal, pinagsasaksak; batang babae, patay

Nasawi ang isang 8-anyos na babae habang kritikal naman ang lola’t tiyuhin nito matapos pasukin ang kanilang bahay at pagsasaksakin ang mga ito sa San Mateo, Rizal.

Ayon sa ulat ng San Mateo Municipal Police Station, duguan nang matagpuan nitong Lunes ang bata, kasama ang dalawa na posible umanong sinaksak at hinambalos ng suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon, matigas na bato o hollow blocks ang maaaring ginamit ng suspek sa krimen na posibleng kilala raw ng naturang pamilya.


Lumalabas na pwedeng galit o paghihiganti ang dahilan ng pagpatay dahil wala umanong anumang gamit na nawawala sa bahay.

Agad namang naidala sa ospital ang tatlo ngunit idineklarang dead on arrival ang bata at malubha naman ang lola’t tiyuhin nito.

Tinututukan pa ng pulisya ang persons of interest para imbitahan sa kanilang himpilan.

Facebook Comments