Electronic and manual feedback forms ng BI, binuhay

Bukas ang Bureau of Immigration (BI) sa feedback ng publiko sa harap ng dumaraming reklamo laban sa immigration officers.

Ayon sa BI, pinalakas nila ang kanilang pagkolekta ng electronic and manual feedback forms.

Layon nito na mapaunlad ang kanilang serbisyo matapos din na magisa sa pagdinig ng Senado.


Sa ngayon, ipinatutupad na ang revised electronic and manual feedback forms sa lahat ng tanggapan ng BI sa buong bansa.

Pinakahuling reklamo ng mga pasahero ang mahabang pila noong Linggo ng gabi dahil sa kakulangan ng immigration officers sa immigration counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 arrival area.

Facebook Comments