Electronic billboards ng mga kandidato, mino-monitor din ng Comelec

Bukod sa mga tarpaulin at poster, mino-monitor din ng Comelec ang electronic billboards ng mga kandidato.

Ayon sa Comelec, maituturing din kasing paid advertisement ang electronic billboards.

Samantala, muling umapela sa publiko si Comelec Spokesman James Jimenez na ireport sa kanila ang campaign materials violation ng mga kandidato.


Ito ay sa pamamagitan anya ng pag-tag sa kanila sa Comelec twitter account ng mga larawan ng mga campaign materials ng mga kandidato.

Facebook Comments