Electronic Business Permit and Licensing System, Inilunsad ng City of Ilagan!

*Ilagan City, Isabela- *Inilunsad kahapon ng Pamahalaang panlungsod ng Ilagan ang Electronic Business Permit and Licensing System kung saan ay maaari ng mag online payment via internet.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni ginoong Paul Bacungan, ang Information Officer ng City of Ilagan, Isabela na kabilang ito sa kanilang limang aktibidades na inilunsad kahapon sa pangunguna ng kanilang alkalde na si Evelyn Mudz Diaz.

Ayon kay ginoong Bacungan, mas magiging akma at mapapadali na ang pagproseso sa mga business permits at pagbabayad ng mga tax sa pamamagitan ng kanilang inilunsad na bagong sistema.


Kanya ring inihayag na ito ay kauna-unahang sistema na nailunsad sa pamahalaang Lungsod ng Ilagan sa bansa.

Napag usapan rin ang mga programa hinggil sa pagpapaigting sa kaayusan at kapayapaan ng nasabing Lungsod sa pamamagitan ng kanilang paglalagay ng mga CCTV Cameras at mga street lights sa mga pangunahing lansangan.

Samantala, Tinalakay naman ni City Mayor Evelyn Diaz sa kanyang naging State of the City Address (SOCA) ngayong araw ang lahat ng kanyang mga accomplishments at mga planong proyekto para sa kanyang nasasakupang Lungsod.

Facebook Comments