MANILA – Naniniwala ang kampo ni Senator Bongbong Marcos na nagkaroon ng electronic dagdag bawas ngayong halalan.Ito ay kaugnay sa pagbabago ng hash code mula sa main system at script code dahilan kaya pinagdududahan ng kampo ni Marcos na may kinalaman ito sa biglang pagbagal at hindi pag-angat ng boto ng senador.Plano ng kampo ni BBM na magrequest sa COMELEC para payagang buksan at ma-audit nila ang Network Operation Center o NOC na siyang main system ng mga pumapasok na data at boto, gayundin ang datos mula sa transparency server, Comelec at Congress.Paliwanag ni Atty. Glenn Chong, IT Expert ng kampo ni Marcos, kapag binago ang hash code automatic na mababago din ang script code sa transparency server.Pero, hindi naman mababago ang resulta ng boto o figures kapag pinalitan ang hash code kundi mababago lamang ang bilang kapag pinalitan ang script code.Ang script code umano ang tinutukoy na pagpapalit sa script na question mark (?) na pinalitan ng enye (Ñ).Nahuli umano nila na may nabago dahil sa nagiba ang hash code sa pocket data bukod pa ito sa unang pag-amin ni COMELEC Chairman Andres Bautista na may nabago nga sa sistema.Mas lalo lamang tumitibay ang paniniwala na may “electronic dagdag bawas” sa boto ni Marcos at Congresswoman Leni Robredo dahil sa lumalabas na pattern sa kanilang mga boto.Mula 5:55 ng hapon ng May 9 na simula ng bilangan ng partial at unofficial tally ng mga boto tuloy tuloy ang paglamang ng boto ni Marcos na natigil lamang hanggang 8:59 ng gabi at pagsapit ng 12 ng madaling araw ng May10 ay saka unti unti bumagal ang pagpasok ng boto ni Marcos hanggang sa lumamang na lamang ito ng 5 libong boto sa kongresista.Habang kay Robredo, ang pattern ng boto nito mula 12 ng madaling araw hanggang 5:51ng hapon ng May 10 ay naging consistent at drastic ang pagtaas ng boto nito kung saan hanggang ngayon ay mahigit 200,000 libo ang lamang nito kay Marcos.Ipinauubaya na lamang ng kampo ni Marcos sa publiko ang paghuhusga kung sakaling hindi pumayag ang COMELEC na ipasilip at i-audit ang main system at platform ng transparency server.
Electronic Dagdag Bawas, Iginiit Ng Kampo Ni Marcos
Facebook Comments