“Electronic Dalaw”, ipatutupad sa mga kulungan ng BuCor

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na maglalagay na sila ng laptops sa mga bilangguan na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Corrections (BuCor) para sa E-Dalaw o Electronic Dalaw program.

Sa harap ito ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic kung saan nananatiling suspendido ang pagdalaw ng kaanak sa kanilang mga mahal sa buhay na nakakulong.

Sa pamamagitan ng E-Dalaw program, makakausap at makikita ng Persons Derived of Liberty (PDLs) ang kanilang mga kaanak sa pamamagitan ng laptops.


Ang GoJust Program naman ng European Union ang siyang magpo-provide ng laptops.

Samantala, tiniyak ng DOJ na magpapatuloy ang kanilang rapid test sa PDLs at sa BuCor personnel.

Facebook Comments