Electronic ID para sa contact tracing at financial aid, inilunsad sa Pasay City

Inilunsad ng Lokal na pamahalaan ng Pasay ang “Electronic Mamamayan Identification Card” na magagamit para sa contact tracing, commerce, city ID at e-wallet sa distribusyon ng financial aid.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang electronic ID ay magsisilbing database para sa COVID-19 vaccination program schedule.

Kasabay nito ang pagpapakilala sa ITBS smart country ecosystem bilang tugon sa COVID-19 pandemic.


Nagsisimula ito sa Citizen Registration Management System kung saan ang lahat ng impormasyon at datos ng residente ay updated, pinapanatili at isinusumite sa Private Cloud server na pinangangasiwaan ng Local Government Unit (LGU).

Ilan sa mga impormasyon ay maaaring ibahagi ng government agencies lalo na sa panahon ng kalamidad at emergency crisis tulad ng pandemya.

Layon ng Smart Country Ecosystem na mairehistro ang bawat miyembro ng pamilya, magkaroon ng unique QR code at facial ID na ipiprisinta para makapasok sa borders, tanggapan ng gobyerno at business establishments.

Facebook Comments