Electronic wrist band, ipapagamit sa mga quarantine violators sa South Korea

Ipapagamit ng pamunuan ng Department of Health (DOH) sa mga quarantine violators ang electronic wrist band sa South Korea matapos tumaas ang bilang ng mga isinailalim sa mandatory 14-day quarantine.

Ayon kay Health Vice Minister Kim Gang-lip, sa kabila ng pagpapa-download nila ng tracking apps sa mga mobile phones ng mga naka-home quarantine ay may ilan pa ring mga lumalabag sa kanilang ipinatutupad na batas.

Aniya, iniiwan ng ilang mga residente ng South Korea ang kanilang mobile phones sa loob ng kanilang bahay para hindi mahuli na sila ay lumabag sa ipinatutupad ng kanilang ahensya kaugnay sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.


Dagdag pa ni Gang-lip, ang sino mang hindi magsusuot ng wristband ay dadalhin agad sa shelters at sila ang pagbabayarin sa accommodation.

Ang wristband na ipinasusuot ay may koneksyon sa phone apps sa pamamagitan ng Bluetooth kung saan, iaalerto nito ang mga otoridad sakaling umalis ng bahay ang mga naka-quarantine.

Sa ngayon ay nasa 46,300 na ang nasa ilalim ng self-quarantine sa South Korea bunsod ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments