Eleksyon 2018 | Drug Free Election Isinusulong ng DILG at PNP!

Bukod sa Peaceful Election sinisigurado ng isinusulong ng DILG at PNP ang Drug Free Election ngayong 2018.

Drugs ang pangunahing dahilan kung bakit hindi natuloy ng dalawang beses ang Barangay Election. Hiniling ng COMELEC at hindi pinilit na magpa drug test ang mga kandidato, boluntaryong nag pa drug test ang 44,346 na mga kandidato at walang nag positibo sa mga ito, pinangunahan ito ng Crime Lab of PNP.

Ayon kay Provincial Supervisor Atty. Marino Salas “may programa na kasi ang DILG at PNP dito aside from Peaceful Election, we make it sure na it is also Drug Free Election.”


Kung sakaling may mag positibo sa mga kandidato ay walang kapangyarihan ang COMELEC na ikansela ang kanilang pagtakbo, dahil meron programa ang gobyerno ukol dito. “Sinisigurado lamang ng COMELEC na kung pwede ay walang mahalal na konetado sa Drugs” ayon kay Provincial Supervisor Atty. Marino Salas.

May Paalala ang DILG at COMELEC para sa mga botante, “Iboto ang nararapat na mahalal.”
Ulat ni Maureen Joyce Garcia

Facebook Comments