Titiyakin ng pamunuan ng 6th Infantry Kampilan Division na magiging mapayapa ang gagawing Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ito ang inihayag sa RMN DXMY ni 6th ID Commander Major General Arnel Dela Vega. May naging direktiba na rin ito sa lahat ng mga Ground Commanders para maisigurong matiwasay ang gagawing kampanya, sa araw mismo ng eleksyon at pagkatapos ng halalan giit ni CG Dela Vega.
Sakop ng 6th ID ang mga lalawigan ng Maguindanao, North Cotabato, bahagi ng Lanao Del Sur , Sultan Kudarat at syudad ng Cotabato .
Patuloy naman ang paghimok ng heneral sa lahat ng mga kumakandidato na tumugon sa kampanya ng mga otoridad at Comelec .
GOOGLE PIC
Facebook Comments