Manila – Hindi pwedeng ipagpaliban ang eleksyon.Ito ang binigyang diin ni House Committee on Suffrage and Electoral Reform Chairman Fredenil Castro dahil nakatakda sa konstitusyon na gaganapin ang eleksyon sa bansa tuwing ikalawang Lunes ng Mayo.Ayon kay Castro, hindi maganda na lagi nalang amyendahan ang batas tuwing kailangan, sa halip dapat ay may konkretong sagot na naayon sa kasalukuyang sistema.Sakaling ideklarang emergency ng Comelec, malabo na rin makipagtulungan ang mga mambabatas dahil mahirap na ang korum ngayong panahon ng eleksyon.Nagbabala rin si Castro, sa kaso ng malawakang vote buying dahil sa naging desisyon ng korte suprema na mag-isyu ng voters receipt ang Comelec.Paliwanag ni Castro, ang voters receipt ang magsisilbing written contract sa pagitan ng bumibili at nagbebenta ng boto.
Eleksyon Sa Mayo, Hindi Pwedeng Ipagpaliban
Facebook Comments