Brgy. Luzon, Cabatuan, Isabela – Sugatan ang dalawang katao ngayong araw Enero 4, 2018 matapos bumaliktad ang kanilang sinasakyang Elf Truck dakong alas 11:30 ng umaga sa Cabatuan Road Brgy. Luzon, Cabatuan Isabela
Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan News Team mula mismo sa pinangyarihan ng insidente, galing sa Cauayan City at patungong Cabatuan Isabela ang truck na may plakang CPE156 na kumuha ng piyesa mula sa Mardeb Construction.
Kinilala ang drayber ng truck na si Elmer Ridad, taga Aurora Isabela, kasama ang kanyang pahinante na si Reymar Cariaso na tubong San Manuel Isabela.
Ayon kay Ridad, sumabog ang kanang gulong ng kanyang minamanehong elf dahilan upang hindi niya makontrol ang manebela nito.
Nagawa pang makaiwas ng truck sa mga nagbibisikleta na bumabaybay din sa nasabing lugar, ngunit tutluyang bumaliktad ng hindi na ito lubusang makontrol ng drayber.
Agad namang nirespondehan ng MDRRMO ng Cabatuan ang naganap na aksidente upang mabigyan ng paunang lunas ang mga biktima.
Nagtamo ng gasgas ang dryaber ng truck matapos maipit ang kanyang paa, samantala isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan ang pahinanteng si Cariaso upang ma CT Scan matapos mabagok ang ulo sa nasabing aksidente.