ELF, BUMALIKTAD SA NUEVA VIZCAYA; 2 PATAY, 1 SUGATAN

CAUAYAN CITY — Dalawang pahinante ang nasawi habang sugatan naman ang drayber matapos bumaliktad ang sinasakyang elf truck sa Brgy. Bangar, Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga nasawing biktima na isang 33-anyos na binata at isang 43-anyos na may-asawa, kapwa residente ng Brgy. Abian, Bambang, Nueva Vizcaya.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Solano, tinatahak ng elf truck ang hilagang direksyon nang mawalan ng kontrol ang drayber kung saan bumaliktad ang sasakyan at bumangga sa isang puno.


Naipit ang dalawang pahinante sa loob ng sasakyan at agad na rumesponde ang mga tauhan ng BFP at PNP.

Gayunpaman, idineklara silang dead on arrival sa pagamutan habang patuloy namang ginagamot ang drayber na nagtamo ng sugat sa insidente.

Facebook Comments