Ellen Adarna, binuweltahan ng fans ni John Lloyd Cruz

123

Showbiz – Binuweltahan at sinisisi ng mga fans ni John Lloyd Cruz si Ellen Adarna matapos mag-viral ang ‘drunk video’ ng aktor.

Ayon sa mga fans, naimpluwensyihan na kasi ni Ellen si Lloydie kaya ganoon ang inasal nito sa video.

Kilala si Ellen bilang sexy, wild at liberated.

At makikita rin sa mga post ni Ellen sa kanyang mga social media accounts na madalas siyang mag-party at uminom.

Si Ellen daw talaga ang dapat sisihin kung bakit nalagay sa ganoong sitwasyon si Lloydie.

Pero dedma naman si Ellen sa mga bashers at hindi na niya ito pinagsasayangan ng oras.

Facebook Comments