70 foster kids, inampon ng isang milyonaryo sa Amerika

100

Panghimagas – Kinupkop ng board member ng foster care community na si Marc Bell ang pitumpung foster kids matapos salantain ng hurricane Irma ang Florida.

Ayon kay Bell, nakatanggap siya ng tawag mula sos children’s village at sinabing kailangan nila ang kanyang tulong.

Hindi naman nagdalawang isip si Bell na tumulong at binuksan niya ang kanyang mansyon para patuluyin ang mga batang nangangailangan.

Kwento pa ni Marc, enjoy na enjoy naman ang mga bata dahil sa kanilang game room, pool, air hockey, arcade games at star-trek-themed home theater.

At mas natuwa aniya silang mag-asawa nang malaman na kahit paano ay nakalimutan ng mga batang ito ang kanilang trauma sa nagdaang hurricane Irma.

Facebook Comments