Ellen Adarna, engaged na ba kay John Lloyd Cruz?

Nagpost si Ellen Adarna sa kanyang Instagram ng isang litrato na may suot itong tatlong singsing sa kaliwang kamay nito- isang kulay bronze at dalawang diamante.
Sa ring finger ng aktres ay mapapansin na mas malaki ang diamante nito kumpara sa mga singsing na nasa kanyang middle finger. Ang caption lamang ng aktres sa kanyang post ay isang heart emoji ngunit makalipas lamang ng isang oras ay dinelete na ni Ellen ang nasabing post.
Maraming celebrity friends ni Ellen katulad nina Isabelle Daza, Gretchen Barreto, Joyce Pring, Cat Arambulo, Mark Nicdao at Beauty Gonzalez ang nakakita at nag komento ng mga congratulatory messages para sa aktres.
Wala pang opisyal na pahayag ang magkasintahang Ellen at John Lloyd tungkol sa kanilang pagpapakasal sa ngayon.

Facebook Comments