Pumayag si Filipina-Chinese actress na si Ellen Adarna na ipagamit kay Davao City Vice Mayor Baste Duterte ang kanilang Queensland Motel sa Davao City para gamitin ng mga Persons Under Investigation (PUI) patients ng COVID-19.
Sa media account ng aktres, sinabi nito na pumayag siya matapos tumawag ang kaniyang ex-boyfriend na si Baste para pansamantalang hiramin ang kanilang motel.
Samantala, sinaluduhan naman ni 2013 Miss Universe 3rd runner up Ariella Arida ang mga frontliners na nagtitiyaga, nagtitiis at nagsasakripisyo para makatulong sa bansa.
Pinasalamatan din niya ang mga frontliners na nagbubuwis ng kanilang mga buhay para sa bayan kung saan, nangako ang beauty queen na isa siya sa patuloy na susuporta at mag-aabot ng tulong para sa mga frontliners.
Kaugnay nito, nagtweet naman ang tv-host-model na si Solenn Heusaff sa DOH kung saan, itinanong niya kung bakit ang mga sibilyan mismo ang nagbibigay ng tulong sa mga frontliners at hindi ang gobyerno.
Aniya, araw-araw umano siyang nakakatanggap ng message galing sa mga sibilyan na nag-aalala sa kanilang mga magulang.
Sa ngayon ay nakikipagtulungan na si Solenn kasama ng kaniyang asawa sa aktres na si Angel Locsin para mamahagi ng mga tents para sa mga frontliners.