Elon Musk, bibilhin na ang Twitter

Nakatakdang bilhin ng pinakamayamang tao sa buong mundo na si Elon Musk ang Twitter sa halagang 44 billion dollars o katumbas ng mahigit dalawang trilyong piso.

Ito ang inanunsiyo ng Twitter matapos silang magkasundo ni Musk na siya ring CEO ng Tesla at Spacex.

Bago niyan, nauna nang nakuha ni Musk ang malaking share sa Twitter nito lamang ding Abril.


Ayon kay musk, marami siyang planong gawin sa Twitter kabilang na ang pagbabago ng features at pagtanggal ng mga spam bots.

Samantala, sinabi naman ni dating United States President Donald Trump na hindi pa rin siya gagamit sa Twitter kahit na ibalik na ang kaniyang account.

Matatandaang mahigit isang taon nang naka-ban si Trump sa Twitter matapos ang insidente noong Enero 2021 kung saan sinugod ng kaniyang supporters ang US Capitol Building.

Facebook Comments