Patuloy ang ginagawang pag iikot at monitoring ng pamunuan ng Environmental Management Bureau sa maituturing na mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga turista habang nasa Alert Level 1 at pagpasok ng panahon ng tag-init.
Ayon kay EMB Ilocos Regional Director Maria Dorica Naz-Hipe, pokus nila ngayon ang Bolinao at Alaminos City sa lalawigan ng Pangasinan at Pagudpud naman sa Ilocos Norte at may itinalagang environmental monitoring officer dito na nag iikot sa mga resorts,
restaurants maging sa mga homestay establishments.
Dito ay tinitignan nila isa isa ang mga establisyemento kung paano nga ba nila dinidispose ang kanilang mga basura dito.
Kung nakitaan umano ng paglabag ay magkakaroon ng orientation at seminars ang management ng mga ito at sila naman ang mangunguna sa pagpapaalala sa mga turista ukol sa tamang disposal ng mga basura habang napapanatili ang ganda ng tanawin. | ifmnews
Facebook Comments