Meralco Bolts, wagi kontra Magnolia Hotshots sa nagpapatuloy na semi-finals ng PBA Governor’s Cup

Naitabla ng Meralco Bolts sa 1-1 ang best of five semifinals kontra Magnolia Hotshots sa iskor na 81-75 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup.

Bumida sa panalo ng Bolts ang kanilang import na si Tony Bishop Jr. na nakapagtala ng 22 points at 14 rebounds.

Tumulong naman ng 18 points si Chris Newsome habang mayroong 14 points naman si Aaron Black.


Samantala, tiniyak naman ng Meralco Bolts na kanilang paghahandaan ang susunod na mga laro dahil tiyak na babawi ang Magnolia.

Facebook Comments