Naglabas na rin ng saloobin ang Embahada ng Canada at The Netherlands, kaugnay ng brutal na pagpatay kay broadcast commentator Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.
Ayon sa naturang mga Embahada, nababahala sila sa karumal-dumal na pagkakapatay kay Mabasa.
Hindi rin anila ito magandang pangitain dahil mistula itong pambubusal sa malayang pamamahayag ng media sa Pilipinas.
Bilang co-chairs ng Media Freedom Coalition, nanawagan din ang Embassy ng Canada at Netherlands sa mga awtoridad na tiyakin ang kaligtasan ng Filipino journalists.
Ito ay bagama’t ikinalulugod naman nila ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing kaso.
Facebook Comments