Embahada ng Pilipinas, may paalala sa mga Pilipinong nananatili sa South Korea sa gitna ng banta ng COVID-19

Nagpa-alala ang Embahada ng Pilipinas sa mga Pilipinong nasa South Korea na sumunod sa ipinapatupad na social distancing bunsod na d8n ng banta mg Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa inilabas na pahayag ng embahada, ipagpapatuloy ng pamahalaan ng South Korea ang social distancing hanggang sa ika-lima ng Abril.

Kaya at dahil dito, maiging sumunod ang mga pinoy na nandoon dahil ang mga lalabag sa social distancing ay maaaring sampahan ng kaso.


Napag-alaman din na sa ilalim ng batas ng South Korea, ang mga hinihinalang pasyente na lumabag sa self-quarantine ay pagbabayarin ng multa na aabot sa 10 million Korean Won (higit PHP400, 000) o kaya ay pagkakakulong ng hanggang isang taon.

Nakiusap pa ang embahada sa mga Pilipinong nasa South Korea na itigil muna nila ang anang pagtitipon at mahalagang sumunod sa batas kung saan makipagtulungan na din para matigil na ang paglaganap ng COVID-19.

Facebook Comments