Embahada ng Pilipinas sa Afghanistan, tiniyak na walang Pilipinong na damay sa nangyaring pagsabog sa Kabul

Manila, Philippines – Walang Pilipinong nadamay sa panibagong insidente ng pagsasabog sa Kabul, Afghanistan kung saan 95 ang nasawi habang higit 150 ang sugatan.

Ayon kay Philippine Ambassador to Islamabad Daniel Ramos Espiritu, karamihan sa mga pinoy na nagtatrabaho sa Afghanistan ay sa loob ng kampo ng militar.

Sa ulat, pinasabog ng grupong Taliban ang isang ambulansya na puno ng pampasabog sa central area malapit sa interior ministry building, isang ospital at ilang diplomatic buildings.


Una nang inilagay ng Dept. of Foreign Affairs sa alert level 3 ang sitwasyon sa Afghanistan kaya ipinatupad ang voluntary repatriation sa mga Pinoy doon.

Pero walang nais umuwi dahil mataas ang pasahod sa nasabing bansa.

Facebook Comments