Embahada ng Pilipinas sa Israel, kinilala ang ipinamalas na bayanihan ng mga Pinoy sa sektor ng agrikultura

Kinikilala ng Philippine Embassy sa Israel ang paglalaan ng panahon ng mga kababayang Pilipino na tumulong sa sektor ng pagsasaka sa Israel.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas, nagpapasalamat umano siya sa kahanga-hangang ambag o volunteer work ng ating mga kababayan, na tumatalima naman sa diwa ng bayanihan ng mga Pilipino.

Giit ng mga ito na sumusuporta sa lahat ng gawaing makakatulong ibangon ang sektor ng agrikultura at maibalik ang sigla ng suplay ng pagkain ng Israel.


Patunay anya ito sa matibay na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Israel at sa nagpapatuloy na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Sa kabila nito pinapayuhan ng Embahada ang mamamayang Pilipino sa nasabing bansa na mag-ingat at iwasan ang pagpunta sa mga conflict zones at iba pang gawain na maaaring magdulot ng panganib sa kanilang kaligtasan.

Pinapayuhan din ng Embahada ang mga Pinoy volunteers na iwasan ang anumang gawain na maaaring maging paglabag sa kanilang umiiral na kontrata ng trabaho, o sa mga kondisyon ng kanilang visa habang nasa Israel.

Facebook Comments