P-Duterte, dumalawa sa burol ng yumaong dating Senadora na si Leticia Ramos-Shahani

Manila, Philippines – Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng yumaong dating Senadora na si Leticia Ramos-Shahani.
 
Mula sa kanyang apat na araw na biyahe sa thailand at Myanmar, agad na dumiretso si Pangulong Duterte sa Funeraria Paz sa Sucat, ParaƱaque City kasama sina Communications Sec. Martin Andanar, National Security Adviser Hermogenes Esperon, Special Assistant to the Pres. Sec. Bong Go, Presidential Chief Legal Counsel Sec. Salvador Panelo, at Defense Sec. Delfin Lorenzana.
 
Sinalubong ang pangulo ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, na kapatid ng yumaong Senadora at ng iba pang miyembro ng kanilang pamilya.
 
Ipinakita rin ni Fvr kay Pang. Duterte ang video presentation na nagpapakita ng mga litrato at mga pinaka-huling interview sa pumanaw na Senadora.
 
Mamayang alas-dos ng hapon, nakatakdang isagawa ang necrological services ng senado para sa yumaong mambabatas.
 
Sa darating na Lunes naman, March 27 nakatakdang ilibing si Ramos-Shahani sa Manila Memorial ganap na alas-diyes ng umaga.
 

Facebook Comments