Embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia, iminungkahi na isakay din sa cruise o navy ship ang mga OFW para sa mabilis na repatriation

Inirekomenda ni Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto sa pamahalaan na i-repatriate ang mga OFW sakay ng cruise o navy ship.

Sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts, sinabi ni Alonto na bukod sa mga charter flights ay maaaring magpadala ng cruise o navy ship para sa repatriation ng mga OFW.

Kung sa cruise o navy ship ibabiyahe ang mga OFW ay tinatayang nasa 15 araw ang biyahe mula Saudi hanggang Pilipinas na sapat na para sa isolation ng naturang mga OFW.


Maaaring magsagawa rin ng swab test sa mga OFW sakay ng cruise o navy ship nang sa gayon, pagdating sa Pilipinas ay diretso na silang makakauwi sa kanilang mga probinsya.

Aabot sa 8,249 na mga OFW sa Saudi Arabia ang nabigyan na ng embahada doon ng exit visa na maaari nang ma-repatriate anumang araw habang nasa 6,342 OFWs ang napauwi mula sa 88,000 na mga stranded OFWs doon.

Facebook Comments