Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, Libya, nakatutok sa kaligtasan ng mga OFW kasunod ang nangyaring bombing insidente

Mas pinaigting pa ang pagtutok sa seguridad ng embahada ng Pilipinas sa Tripoli, Libya sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) matapos ang nangyaring pagsabog ng isang sasakyan sa Arkan Mall.

 

Ayon sa Department of Foreign Affairs, walang naiulat na nasawi o nasugatan sa Pilipino sa nasabing pagsabog na kung saan tatlong empleyado ng United Nations Support Mission in Libya (UNSMIL) ang nasawi at siyam ang sugatan.

 

Tiniyak ng embahada na patuloy ang pakikipag- ugnayan nila sa Filipino Community.


 

Pinayuhan ng embahada ang mga pinoy na laging maging alerto at umiwas sa pampublikong lugar.

Facebook Comments