Ilang lugar sa Metro Manila at karatig-lalawigan, makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ngayon Linggo – Meralco

Ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig- lalawigan ang makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ngayong Linggo, ayon sa Manila Electric Company (MERALCO).

 

Ito ay dahil sa maintainance works na kanilang gagawin.

 

Sa Las Piñas city, mawawalan ng serbisyo ng ilang araw sa pagitan ng 9 AM hanggang 1 PM sa darating na Miyerkules at sa pagitan ng 11:30 PM ng Huwebes hanggang 4:30 AM ng Biyernes sa Barangay Comembo, Makati City at bayan ng Pateros.


 

Sa Maynila, mawawalan ng ilaw ang area ng Sta. Mesa bandang 11 PM ng Martes hanggang madaling araw ng Miyerkules at ganoon din sa area ng San Miguel sa dakong 11:30 PM Miyerkules ng gabi na tatagal hanggang 5:30 AM ng Huwebes.

 

Kasama rin sa mawawalan ng ilaw ang area ng Sta. Cruz, Sampaloc at Tondo sa Maynila sa araw ng Sabado.

 

Samantala, brown out din sa Silang, Cavite ngayong darating na Miyerkules, sa San Pedro at Biñan City, Laguna nagyong araw ng Huwebes nang umaga at bukas naman ng umaga, una nang mawawalan ng kuryente sa Taytay, Rizal.

 

Para sa mas kumpletong detalye, bisitahin lamang ang website ng MERALCO sa www.company.meralco.com.ph.

Facebook Comments