Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, tinutukoy na kung may mga Pinoy na naapektuhan sa malawakang pagbaha sa Libya na ikinasawi na ng mahigit 2k katao

Inaalam na ng mga awtoridad kung mayroong mga Pilipino ang naapektuhan sa malawakang pagbaha sa Libya.

Ito ay kasunod na rin ng pananalasa ng malakas na Storm Daniel na nagdulot ng malawakang pagbaha, nasira ang mga dam at tinangay ang mga gusali at na-wiped out ang 1/4 ng Eastern City ng Derna.

Nasa 10,000 katao ang napaulat na nawawala habang mahigit 2,000 na ang pinangangambahang namatay.


Nagpaabot naman ang Philippine Embassy sa Tripoli ng paglingap at dasal sa lahat ng apektado ng baha sa silangang bahagi ng Libya kabilang ang Benghazi, Al-Marj, Al-Bayda, Shahat, Derna, at Tobruk.

Hinikayat naman ng embahada ang mga Pilipino na nangangailangan ng tulong na tawagan ang embahada sa pamamagitan ng kanilang hotline 0944541283 o sa kanilang email na tripoli.pe@dfa.gov.ph.

Facebook Comments