Embahada ng Pilipinas sa United Kingdom – hirap na matukoy ang eksaktong bilang ng mga pinoy na apektado ng sunog sa Grenfell Tower

Manila, Philippines – Hiniling na ng embahada ng Pilipinas sa mga pinoy na naapektuhan ng sunog sa United Kingdom na makipag-ugnayan sa kanila.

Ito ay matapos na mabigo ang embahada na matukoy ang eksaktong bilang ng mga apektadong pinoy sa sunog sa Grenfell Tower.

Batay sa statement ng Philippine Embassy – maaring makipag-uganayan sa kanila ang mga pinoy na apektado sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa grenfellpinoy@gmail.com o ‘di kaya ay mag-text sa ‎07802790695.


Kabilang sa mga nawawala ang pinay na si ligaya moore na residente ng Grenfell Tower.

Facebook Comments