Isang linggo matapos manalasa ang supertyphoon Lawin, kabuuang 300,000 pamilya o 1.3 milyong indibiduwal ang naapektuhan ng bagyo.Ayon sa Department of Social Welfare and Development , matinding sinalanta ng bagyo ang mga nasa Codillera, Regions 1, 2, at 5.MANILA – Bunsod nito, minamadali na ng DSWD ang pagbibigay ng Emegency Shelter Assistance (ESA) sa mga pamilyang nawalan ng tahanan dahil sa bagyo.May naka-antabay din na emergency fund ng DWSD na aabot sa 800 million pesos.Maging ang Department of Agriculture ay nagpag-abot na rin ng tulong pagkabukayan sa mahigit limampung libong magsasaka at mangingisda na nasalanta ng bagyo.Sa interview ng RMN kay da Executive Assistant Head Bong Piñol, kabilang sa kanilang ayuda ay ang mga binhi ng palay at mais para sa mga nawalan ng pangkabuhayan.Batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, labing lima ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Lawin.
Emegency Shelter Assistance Sa Mga Sinalanta Ng Bagyong Lawin – Pinamadali Na
Facebook Comments