CAGAYAN – Posibleng sa pasko na tuluyang maibalik ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Cagayan matapos ang pananalasa ng bagyong Lawin.Ayon kay Cagayan 1 Electric Cooperative, Inc. (CAGELCO 1) General Manager Tito Lingan, buong distribution lines at system ng CAGELGO-1 na nagsu-suplay ng kuryente sa labing isang bayan ay nasalanta ng bagyo.Bunsod nito posibleng abutin pa ng dalawang buwan bago maibalik ang suplay ng kuryente sa Tuguegarao City, Solana, Enrile, Piat, Tuao, Alcala, Rizal, Sto. Niño, Peñablanca, Iguig at Amulung.Sa pagtaya ng CAGELCO 1, aabot sa 751 na poste ang nasira at nasa p47 milyon ang total damage cost.Bahagi ng pagsasaayos ang clearing operations sa mga nahulog at nasirang mga poste sa iba’t ibang lugar at ang pagtatayo ng mga bagong poste.
Emegency Shelter Assistance Sa Mga Sinalanta Ng Bagyong Lawin , Pinamadali Na Suplay Ng Kuryente Sa Cagayan – Posibleng
Facebook Comments