Pagpasok Ng Bandidong Abu Sayyaf Sa Cebu, Itinanggi Ng Philippine National Police

14

MANILA – Itinanggi ng Phil. National Police ang ulat kamakailan na napasok na ng badidong grupo ang Cebu.Ayon kay Central Visayas Police Regional Office, Intelligence Group Chief Supt. Julian Entoma, sa isinagawa nilang validation, walang Abu Sayyaf sa nasabing lungsod.Sa kabila nito, itinaas pa rin ng PNP-Central Visayas ang kanilang alerto.Sinabi ni Entoma na kinakailangan gawin ang nasabing hakbang matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Zamboanga Peninsula hinggil sa pagpasok umano ng Abu Sayyaf Sa Cebu.Hinihikayat din ni Entoma ang publiko na manatiling mapagmatyag sa anumang may kahina-hinalang kilos.

Facebook Comments