Bumuhos ang tulong mula sa iba’t ibang bansa matapos ang nangyaring pagsabog sa Lebanon.
Una na rito ang Qatar na nagpadala ng mobile hospitals, collapsible beds, generators at burn sheets.
Nagbigay rin ng tulong ang Kuwait sa pamamagitan ng pagpapadala ng medical supplies habang nagpadala naman ang Algeria ng apat (4) na eroplano at barko na sakay ang ilang medical team, bumbero at construction materials.
Sa ngayon, 137 katao na ang nasawi sa malakas na pagsabog habang 5,000 katao naman ang sugatan.
Samantala, ginugunita ngayong araw sa Japan ang ika-75 anibersaryo ng Hiroshima atomic bombing.
Facebook Comments