Emergency alerts para sa presidential bid ni dating Senator Bongbong Marcos, inalmahan ng kampo nito

Umalma ang kampo ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos kumalat ang emergency alert na sumusuporta sa kanyang kandidatura sa 2022 elections.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff ni Marcos, hindi galing sa kanila ang emergency alert at ito ay parte lamang ng demolition job laban kay BBM.

Aniya, maging ang pamilya Marcos ay nakatanggap ng nasabing mensahe.


Giit pa ni Rodriguez, hindi dapat kinukunsinti ang anumang o sinumang grupo na gamitin ang ganitong pamamaraan na walang kaugnayan sa anumang kalamidad.

Nagbabala rin ito sa sinumang may pakana ng ganitong gawain na huwag gamitin ang pagpapadala ng emergency alert na dapat ay ginagamit para makapagligtas ng buhay.

Facebook Comments