Administrative order para sa meals, accommodation at transportation allowances ng mga health worker, approval na lang ni Pangulong Duterte ang kailangan

Humingi na ng approval ang Department of Health (DOH) kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa administrative order na magpapahintulot sa kagawaran na magkaroon ng meals, accommodation at transportation (MAT) allowances para sa mga health workers.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sakop ng probisyon ang 423,000 healthcare workers na hindi nakatanggap ng benepisyo mula September 15 hanggang Dec. 19, 2020.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Duque na sapat ang pondo ng DOH para sa MAT allowance na nagkakahalaga ng P1.23 billion na dagdag pa ang contingency fund mula sa Office of the President na nasa P1.28 billion.


Facebook Comments