Magpapatupad ng emergency employment program ang labor department sa Cordillera Administrative Region (CAR) para matulungang magkaroon ng mapagkakakitaan ang mga biktima ng magnitude 7 na lindol.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Dir. Karina Perida-Trayvilla na kinukumpleto na lamang ng lokal na pamahalaan ng CAR ang kanilang project proposal upang maisumite na sa central office.
Sa ngayon aniya ay nagpapatuloy ang profiling ng kanilang mga regional office partikular na sa Region 1 at sa CAR para pagpapatupad ng proyektong ito.
Umaasa aniya ang DOLE na sa lalong madaling panahon masisimulan na ang implementasyon ng programang ito sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa mga Disadvantaged and Displaced Worker o TUPAD program.