Pangulong Marcos Jr., nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na si dating pangulong Fidel Ramos

54

Nakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamilya ng pumanaw na si dating pangulong Fidel V. Ramos.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Pangulong Marcos na lubos ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng dating pangulo na nagkaroon aniya ng makabuluhang buhay sa mundo bilang isang military officer at public servant.

Sinabi ng pangulo na kasama ang kanyang pamilya nakikiramay sila sa mga Pilipinong nagdadalamhati ngayon dahil sa pagkamatay ng dating lider ng bansa.


Ayon pa sa pangulo na hindi lang sila nawalan ng magaling na lider, nawalan din daw sila ng miyembro ng pamilya.

Si dating pangulong Ramos kasi ay malayong kamag-anak ng mga Marcos.

Kaugnay nito, nananawagan ang pangulong sa mga Pilipino na ipagdasal si dating pangulong Ramos, aniya ang legacy ng dating pangulo ay mananatili sa puso ng sambayanang Pilipino.



Facebook Comments