Pabor si Senador Sherwin “Win” Gatchalian na madagdagan ang P200 milyon na panukalang alokasyon na emergency fund sa susunod na taon para Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF).
Itinatag ang ECERF bilang isang standby fund upang may mapagkunan ng pondo ang electric cooperatives.
Para ito sa mga gastusin nila tulad ng pagkukumpuni ng mga putol na linya ng kuryente at pagsasaayos ng mga pasilidad sa tuwing may mga kalamidad.
Ang naturang pondo ay nasa pangangasiwa ng National Electrification Administration (NEA).
Humihingi ang NEA ng P1.2 bilyon na alokasyon para sa ECERF sa susunod na taon o mas mataas ng 500% sa halagang ipinapanukala sa 2022 national budget.
Facebook Comments