StrEAT Food Festival, inilunsad sa Maynila

50 online restaurants at home-kitchen ang nagsama-sama sa Mehan Garden sa Maynila simula kahapon, November 12 hanggang November 30.

Tampok ito sa Manila EntrePinoy: StrEAT Food Festival na inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Pangunahing namamahala sa event ang Bureau of Permits at ang Local Economic Development and Investment Promotions Office.


Ang dalawang linggong festival ay bukas sa publiko mula alas-4:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Sari-saring inumin at pagkain ang ma-eenjoy ng mga magtutungo sa festival.

Pero mahigpit ang paalala ng Manila City Government sa publiko na makikiisa sa festival na mahigpit na sundin ang minimum health protocols sa lahat ng pagkakataon upang maging ligtas laban sa COVID-19.

Facebook Comments