Emergency housing assistance ng NHA, sisimulan na sa Disyembre

Inaasahang masisimulan na ng National Housing Authority (NHA) ang pamamahagi ng financial assistance sa mga nasalanta ng bagyo sa buwan ng Disyembre.

Ayon kay NHA Assistant General Manager Victor Balba, ia-assess nila kung ilan ang pamilyang naapektuhan ng kalamidad at nakikipagtulungan na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ise-certify ng Local Government Units (LGUs).

Ang emergency housing assistance ay ibibigay nang cash na minimum na P5,000 at maximum na P10,000 para mas madaling makabili ng mga materyales na kailangan para sa pagkumpuni ng mga nasirang bahay.


Plano naman ng NHA na ilipat o hanapan ang mga residenteng nasira ang bahay ng kanilang resettlement sites.

Facebook Comments