Nasa maayos nang kalagayan ang American astronaut na si Nick Hague at Russian cosmonaut Alexey Ovchinin matapos mag-emergency landing ang dalawa.
Nakasakay sina Hague at Ovchinin sa Russian Soyuz rocket na inilunsad aa Baikonur Cosmodrom sa Kazakhstan.
Papunta sana ang dalawa sa International Space Station para sa anim na buwang mission.
Pero napilitan i-abort ng mga ito ang kanilang biyahe matapos magkaaberya ang kanilang sasakyan.
Nangako naman ang NASA at ang Roscosmos, ang Russian Space Agency ng masusing imbestigasyon kung bakit nagkaaberya sa launching ng Russian Soyuz rocket. Nais din malamang ng dalawang kung ano pa ang puwedeng gawin para matuloy ang biyahe sa International Space Station.
Pinangangambahan na lalong madadagdagan ang tensiyon sa pagitan ng U.S. at Russia sa kanilang joint space program dahil sa insidente.