EMERGENCY LANDING | Higit 30 pasahero, isinugod sa ospital matapos mawalan ng pressure ang cabin ng sinasakyang eroplano

Germany – Isinugod sa ospital ang 33 pasahero matapos mawalan ng pressure sa cabin ng sinasakyang eroplano sa Germany.

Sakay ang halos 200 pasahero ang Ryanair Flight FR 7312 mula sa Dublin patungong Zadar sa Croatia ng nang mangyari ito.

Nakaranas ng pagdurugo ng tenga ang mga nasabing pasahero nang mawalan ng pressure sa loob ng cabin.


Nag-emergency landing ang eroplano sa Frankfurt at patuloy ang pagpapagaling ng mga pasahero.

Facebook Comments