EMERGENCY MEETING ISINAGAWA NG IMT BILANG PAGHAHANDA SA BAGYONG BETTY

CAUAYAN CITY – Bilang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan sa posibleng pananalasa ng bagyong Betty, isinagawa kaninang alas-dos ng hapon ang pagpupulong ng Incident Management Team na kinabibilangan ng mga pinuno ng bawat departamento mula sa PNP, BFP, POSD, Rescue 922 at mga pinuno ng ilang tanggapan sa City Hall.

Bagamat hindi nakasentro ang mata ng bagyong Betty sa lungsod ay pinaghahandaan pa rin ito ng LGU.

Nakahanda na ang mga kasapi ng CDRRMO sa pagtugon at pagresponde sa magiging epekto ng bagyo gayundin ang mga tauhan ng PNP Cauayan na silang magbabantay naman sa mga bahaing lugar sa syudad.


Samantala, pinapaalalahan ang mga may-ari ng mga establisyimento na mag-ingat at siguruhin na naka lock ang mga pinto at bintana upang hindi mabiktima ng mga kawatan.

Pinapayuhan naman ang lahat na mag-ingat at paghandaan ang paparating na bagyo at kung sakali man na may hindi inaasahang insidente ay agad na sumangguni sa mga otoridad.

Facebook Comments