EMERGENCY MEETING KAUGNAY SA PAGTAAS NG COVID-19 CASES SA CALASIAO, ISINAGAWA MULI NG LOCAL IATF

CALASIAO, PANGASINAN – Kaugnay sa nagpapatuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bayan, pinangunahan na alkalde ang emergency meeting kasama ang mga miyembro ng Local IATF.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang pagsasagawa ng disinfection at sanitation sa pampublikong pamilihan kabilang ang ilang establisyemento at mga gusali ng munisipyo at ibang tanggapan nito.

Kasama rin sa napag-usapan ang pagpapalawig at pagpapatupad ng mas striktong protocols sa bayan, gaya ng mahigpit na pagbabantay sa mga border points ng Calasiao at pagtalima sa curfew hours.


Bukod pa rito, ay isinaayos din ang alternative workforce o work schedule para sa lahat ng empleyado ng munisipyo. Ito ay upang malimitahan ang bilang ng mga tao sa bawat tanggapan at masiguro ang physical distancing.

Muling ipinanawagan na makipagtulungan sa Local IATF at ang pagkakaroon ng disiplina sa bawat sarili, pagpapalakas ng resistensya at mariing pagsunod sa mga ipinapatupad na standard health and safety protocols upang maiwasan ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments