MANILA – Iminungkahi ngayon ng grupo ng mga negosyante na bigyan ng “emergency powers” si President-elect Rodrigo Duterte para masolusyonan ang malalang problema ng trapiko sa bansa.Ayon kay Eddie Yap, Committee Chairman ng Management Association of the Philippines (MAP) ay mapapabilis nitong magawa ang mga proyektong pang-transportasyon dahil mas bawas ang panghihimasok ng ibang sektor ng bansa.Ipapasa anya ni Duterte ang naturang emergency powers kay incoming Transportation and Communications (DOTC) Secretary Arthur Tugade.Pwede rin anya itong gawing pansamantala o sa loob lamang ng dalawang taon para mapabilis ang mga infrastructure project na solusyon sa traffic.Sinabi naman ni Robert Siy, Senior Adviser ng DOTC Undersecretary for Planning – na may mga hakbang na silang ginagawa para mabawasan ang mabigat na trapiko na dapat ipagpatuloy ng susunod na kalihim.Kabilang na dito ang point-to-point bus system at ang bus rapid transit.Ang pagbibigay ng emergency powers ay nakadepende sa susunod na administrasyon.
Emergency Powers Para Kay President-Elect Rodrigo Duterte Para Masolusyonan Ang Problema Ng Trapiko Sa Bansa – Isinusulo
Facebook Comments