Manila, Philippines – Iginiit ng Malacañang na kailangan nang bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyonan ang pagbigat ng daloy ng trapiko lalo’t nalalapit na ang kapaskuhan.
Ayon kay Andanar, dapat maipasa ang senate bill no. 11 o transportation crisis act of 2016 na layong maibigay sa pangulo ang kapangyarihang ire-organisa ang Dept. of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Umaasa rin ang opisyal na maipapasa na ang panukalang-batas sa huling bahagi ng buwan ng Nobyembre.
Facebook Comments