Emergency room ng bagong Ospital ng Maynila, handang gamitin ng lokal na pamahalaan sakaling lumala ang sitwasyon ng COVID-19

Photo Courtesy: Radyoman Emman Mortega

Handa ngayon ang lokal na pamahalaan ng Maynila na gamitin ang Emergency Room o ER ng bagong Ospital ng Maynila sa Mabini street sa lungsod ng Maynila.

Sa pahayag ni Mayor Isko Moreno, sakaling lumala ang sitwasyon ng hawaan ng COVID-19 sa bansa, kanila munang gagamitin ang ER ng nabanggit na ospital.s

Aniya, nasa 30 ang bed capacity ng emergency room ng bagong Ospital ng Maynila kung saan kumpelto rin ito sa mga kagamitan.


Bagamat sa buwan pa ng Mayo matatapos ang ilang konstruksyon sa katatayo pa lamang na ospital sa lungsod, una ng pinaayos o pinatapos ng lokal na pamahalaan ang emergency room nito upang magamit na sa publiko.

Nakahanda rin ang mga doktor na nakatalaga dito sakaling dumating sa sitwasyon na kinakailangan talaga ang kanilang serbisyo.

Nabatid na pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang tinatawag na “worst case scenario” dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 pero umaasa sila na huwag na sana o hindi na dumating sa ganitong pagkakataon ang sitwasyon na kinakaharap ng bansa.

Facebook Comments